Sunday, July 17, 2005

Galaw ng mga elemento

Ito ang tula na minsan kong nasumpungan sa aking panaginip...


Galaw ng mga elemento
itid

Kapag natuklasan mo ang nakakubling dragon sa iyong dibdib,
Magiging malakas ka. At mag-aalab ang apoy sa iyong puso,
Tutupukin ang lahat na takot sa daluyong ng iyong dugo.

Kapag iyong natamo ang nakatagong kaluwalhatian sa isip,
Magiging matatag ka. At mapapanatag ang iyong daigdig,
Tatangayin ng hangin ang lahat na alinlangan at ligalig.

Kapag nasumpungan mo ang taimtim na saglit ng kapayapaan,
Malalaman mong ang pag-unlad ay nagsisimula sa pananalig,
Anumang balakid, kayang igpawan katulad ng malayang tubig.

Kapag nahanap mo ang kaliwanagang mailap sa iyong pang-unawa,
Malalaman mong may dahilan ang pag-iral mo sa mundong ibabaw,
At malulubos lamang ang iyong ambag sa sinapupunan ng lupa.

Gumagalaw ang lahat sa kumpas ng hangin, tubig, lupa at apoy.


4 Comments:

At 11:44 PM, Blogger mdlc said...

aprub, mehn, husay. tula lang nang tula!

 
At 5:27 PM, Blogger Ederic said...

Linked you na po. :)

 
At 9:08 PM, Blogger vlad said...

wow makata! gogogo telesforo!

 
At 6:59 PM, Blogger Dennis Andrew S Aguinaldo said...

oy oy heto ka pala itid ka! hehe. link kita. nasa teskstongbopis.blogspot.com ako

 

Post a Comment

<< Home