Monday, December 19, 2005

Paggunita I

Ginugunita ko kayo ngayon. Kayong mga nakipagdalumat sa landas na tinatawag nating buhay. Kayong mga nakalimutan na at naaalala pa. Kayong mga ibinaon sa limot at hinuhukay sa alaala. Ginugunita ko kayo ngayon.

Sa mga kaibigang nananatiling bata sa aking isipan. Sa mga kalaro ko ng eskate noong grade one. Sa mga kasama ko sa cutting classes noon upang manguha ng bayabas o kaya maligo sa dalisay na ilog ng Kulaman. Sa mga kasama kong mangahoy noon sa mahiwagang Alalum na mundo ng makapangyarihang mga tagbaya sa aking isip. Sa mga kaibigang nakikita at hindi nakikita. Inaalala ko kayong lahat.

Sa mga naging kaklase ko noong elementary. Kayong mga nakasama ko sa paghahabulan sa mahoganihan. Kayong mga kasama kong nagbubunot ng mga amorseko sa tuwing umaga bago makapasok sa klasrum. Kayong mga kasama kong naglalaro sa ulanan. Kayong mga kasama ko sa pag-back-tumbling sa damuhan. Naaalala ko kayo ngayon.

Sa mga kasama kong manglaraw ng mais sa San Vicente. Sa mga katropa kong mangag-ag ng humay sa lahat na humayan sa Kisolon. Ginugunita ko kayong lahat. Ginugunita ko ang mainit na araw na nagbigay ng kulay kape noon )(hanggang ngayon) sa ating mga balat. Ginugunita ko ang pagpasan ng saku-sakong mais, ng saku-sakong palay na hindi man lang sumayad sa taing mga sikmura.

Sa mga nakasama sa pagtuklas sa kalikasan. Kayong mga nakasama ko sa paliligo sa ilog Tagoloan. Kayong mga kasama ko sa pagahhanap buwaya upang tuklasin kong totoong kayang lagariin ang ngipin nila at gawing anting-anting. Kayong mga kasama ko sa pagbaklay papunta sa San Juan at Intavas. Naaalala ko kayo.

Naaalala ko kayo. Kayong mga nakasama ko sa tanom ng palay sa marami nang basakan. Naaalala ko ang mga mukha nating nadudungisan noon ng putik na singkulay din ng ating balat. Naaalala ko ang maghapon nating pagyuko-pagtayo at paatras na paghakbang upang maging maayos ang tanom. Naaalala ko ang mga kwentuhan natin habang masayang kumakain ng tanghalian. Nagkakamay tayong lahat na kumakain. Ang mg kamay natin na lumubog-lumitaw sa putik ay siya ring mga kamay na gamit natin sa pagkain. Ngunit hindi natin alintana iyon. Konting hugas lang ang katapat kahit walang sabon.

Kayong mga kasama ko sa trabaho noon pagkagradweyt ko ng elementary. Kayong mga kasama ko sa pagtatanim ng tubo sa tubuhan ni Branya. Kayong mga kasama ko sa pagtatapas ng tubo sa tubuhan pa rin ni Branya. Kayong mga mabibilis gumamit ng espading. Kayong Malalaks maghakot ng mabibigat na bangan-bangan na tubo paakyat sa trak at dumadaan sa madulas na damyo. Kayong kasama ko sa ilalim na init at ulan. Kayong mga kasama ko sa pagtatanim at pag-aani ng kamatis ng BRCI. Kayong mga kasama ko sa pagbasok sa halos lahat na kamaisan sa buong Sumilaw. Kayong mga sanay sa pagwasiwas ng lampasiyaw at bihasa sa sining ng paggamit ng pitiay. Ginugunita ko kayong lahat.

Sa mga kaklase ko noong haiskul. Sa mga kasama kong iskul-bukol. Sa mga katropa kong amdalas umupo sa likod upang madaling masilipan ang mga student teacher. Sa mga kasama kong nagpupuslit ng gin na nakalgay sa plastic at hinaluan ng softdrinks at iniinom gamit ang straw. Sa mga kasama kong nagpapahiram ng mga porn magazione na ninakaw sa kanilang mga tiyuhin. Sa mga kasama kong nag-eksperimento ng bagong laro na parang golf pero nilalaro na parang hockey. Sa mga teacher ko na kainuman din minsan. Sa mga kakilalang umampon sa akin sa mga panahong wala akong matuluyan. Sa mga pamilyang kumupkop sa akin sa buong panahong pinagtiyagaan ko ang haiskul. Sa mababait (at masusungit) na anging amo sa trabaho upang magkaroon ng pambaon. Ginugunita ko kayong lahat.

Kahit kayong mga kasama ko noon sa lumpenic na mga gawain. Kayong mga adik-adik ng Calanawan. Kayong mga palahubog ng San Miguel. Kayong mga buguy-bugoy ng Tangkulan. Naaalala ko ang ating mga kalokohan.

Kayong mga nakasama ko sa paliligo sa magandang ilog ng Mangima. Kayong mga kasama ko sa paggala sa Sankanan, sa Camp 1, sa Dahilayan, SantoNinyo, Diklum, DAlirig, Kilabong, Vista Villa, Maluko, at iba pang baranggay na hindi ko na matandaan. Kayong mga nakasama sa paggala sa MAlaybalay, San FErnando, Musuan, Valencia, Salawagan, Talakag, Libona, Malitbog, Lantapan, Impasug-ong, Cagayan de ORo, Iligan, Pagadian at sa ibang lugar na hindi ko na maalala ang mga pangalan.

Sa mga nakasama college. Sa mga katulad kong mahilig sa kape. Sa mga katulad kong mahilig umakyat sa bubong ng isang building. Sa mga katulad kong mahilig tumambay sa park. Sa mga tulad kong naadik sa ghost fighter. Sa mga tulad kong nangarap maging supersaiyan. Ginugunita ko kayong lahat. Sa mga kaibigang nawala at pumanaw. KAyong mas matatapang kaysa akin. kAyong minsang nagpakain sa panahon ng aking kagutuman. Kayong nagreregalo ng fresh milk. Kayong nanglilibre ng pancit cnaton. Kayong nanglilibre ng kape. KAyong nagbibigay ng mga raket na pagkakitaan. Kayong madalas makahuntahan sa kahit anong bagay. Naaalala ko kayong lahat.

Kayong mga walang mukha at walang pangalan sa aking alaala. Kayong mga hindi ko aam kong saang lupalop nanggaling. Kayong mga nakasama sa barko papuntang Mindanao at pabalik sa Maynila. Kayong mga nakatabi bus na byaheng Baguio. KAyong nakatabi sa jeep papuntang Quiapo. Naaalala ko na wala kayong mga mukha. Kayong mga walang probinsya. KAyong mga walang lugar. KAyong mga sa mata lang nakikilala. KAyong mga minsang nakasama sa pagkain sa fastfood. Naaalala ko kayo kahit hindi ko kayo naaalala.

Kayong mga kaibigan. Mga kaibigang tunay. Mga kaibigang hindi tunay. Mga kaibigang totoong kaibigan. Mga kaibigang hindi totoong kaibigan. Kayong mga kaibigan sa isip sa salita at gawa. Kayong mga kaibigan lang sa salita. KAyong mga kaibigan na hindi ko kaibigan. Kayong mga kaibigan na hindi ko alam na aking kaibigan. Kayong lahat. Naaalala ko kayo kahit marami sa inyo ay hindi ko naaalala.

Kayong mga konduktor na bus na tinatawag akong 'pare'. Kayong mga drayber ng jeep na nagbabahagi ng kahirapang kumita ng pang-boundary. Kayong mga drayber na nagkukwento at nagkukwenta ng kahirapang magpaaral ng mga anak. Naaalala ko kayo kahit hindi ko kayo naaalala.

Kayong mga nagmahal sa akin (salamat). Kayong mga minahal ko. KAyong mga minahal ko nang minsan. KAyong mga mahal ko hanggang ngayon. Kayong mga hindi ko na mahal ngayon. Kayong mga hindi na nagmamahal sa akin ngayon. Naaalala ko pa rin kayo kahit marami sa inyo ang hindi ko na rin naaalala.

Ginugunita ko kayong lahat ngayon. Kayong mga namayapa at patuloy na nabubuhay. Kayong mga buhay lamang sa alaala. Kayong mga laging nakangiti sa alaala. Kayong laging nakasimangot sa alaala. Kayong lahat naaalala ko kahit hindi ko naaalala.

Ginugunita ko kayong lahat sapagkat marami na nagbago. MAraming bagay ang nagbago. Maraming bagay ang nagbabago. Ang lahat na bagay ay nagbabago. At sa mga pagbabago, marmaing bagay ang nagiging alaala na lamang. Ayaw ko sanang makalimot subalit sadyang marupok ang isip. Mabuti na lamang may alaala. Para maalala ko kayo kahit hindi ko na naaalala ang marami sa inyo.

Ginugunita ko kayong lahat dahil lahat kayo ay naging bahagi, nakibahagi, binahaginan ko ng kapiraso ng aking ako. Ginugunita ko ang mga pirasong iyon, sapagkat ngayon, ang buong ako ay ibinahagi ko na nang buong-buo sa pinakamagandang babae sa aking mundo.

Friday, December 09, 2005

Ang alamat ng sumpa

Dalawang dekada akong tulog.

Nagsimula ang lahat na ito noong unang panahon. Noong panahong ang mga alamat ay hindi alamat. Noong panahong ang gising ay gising at ang tulog ay tulog. Noong panahong ang mga pangitain ay pangkaraniwan lamang sa bawat matinong isip.

Subalit limot na ng karamihan ang panahong iyon. Ni walang naiwang komprehensibong tala sa kasaysayan na iyon. Dahil dumating ang krus at espada. Ang lahat ay sapilitang pinaluhod sa krus. Ang ayaw lumuhod kamatayan ang hatol. Lalong naging mabisa ang sumpa nang dumating ang krag na una nang naghasik ng lagim sa mga tunay na tagapagmana ng tinagurian nila noong "New World". Nang lumaon nga'y may espesyal na dagdag pa sa krag at iba pang de-pulburang gamit "pamayapa". Naimbento ang 45 na napatunayang mabisang pampatulog sa mga gising na hindi tinatablan ng sumpa.

Ito ang maikling buod ng sumpa kung saan nagsimula ang lahat. Ang sumpa na sumira sa balanse at daloy ng ating panahon. Kung kaya naging tulog kahit ang gising. At iilan na lamang ang panakanakang bumabangon.

Naging lalong mabisa ang sumpa sa paglipas ng panahon. Kung kaya iilan na lamang ang nakakaalam na noon, ang gising ay gising at ang tulog ay tulog. Marami ngayon ang tulog. Kaya nakapanlalamang ang mga nagtutulug-tulugan. Silang mga nakipagsabwatan sa tagapangalaga sa mga lihim ng sumpa.

Dahil sa sitwasyong ito, tayo ay iniluwal sa mundo ng mga tulog. Kaya walang ibang itinuro sa atin kundi ang pumikit. Kaya iyon din ang aking natutunan. Ito ang dahilan kung bakit dalawang dekada akong tulog. Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa atin ngayon ay tulog pa rin.

Isang mahabang kwento kung paano nawalan ng bisa ang sumpa sa akin. Kung paano ko nalaman ang kaibhan ng tulog sa gising. Kung paano ko napagtantong marami sa atin ang nahihimbing hanggang ngayon sa ilalim ng sumpa.

Nagising ako sa gitna ng bangungot. Malagim na bangungot. Bangungot na nagtutulak sa karamihan sa henerasyong ito na mangibang-bayan. Bangungot na pumaparalisa sa kilos ng ibang namulat na ang mata subalit natatakot pa rin sa sumpa kaya ayaw bumangon.

Subalit may ibang gising na gising na at tiniklop na ang kanilang mga higaan. Silang mga namulat sa kahungkagan at kabulaanan ng sumpa. Silang mga nakaaalam na ang sumpa ay walang bisa sa mga taong tunay na gising. Silang mga walang mukha at pangalan na nanggigising sa mga tulog. Silang mga umalohokan na nagdadala ng mensahe ng katubusan mula sa sumpa. Silang mga nakauunawa na tanging mga gising ang nakakakita ng mga pangitain. Silang may apoy sa dibdib. Silang gumagalaw sa ilalim ng lupa kasama ang nakakubling dragon. Silang gumagapang sa ibabaw ng lupa at nakikipagpatintero sa mga buwitre.

Ngayong ako ay gising na, maglalakbay ako sa panahon. Dahil katulad ng ibang gising at kumikilos, nais kong maibalik ang balanse at daloy ng panahon sa nararapat nitong pag-inog. Iyong panahong ang gising ay gising at ang tulog ay pisikal na pagpikit ng mata lamang. Iyong panahong ang mga pangitain ay hindi ang pambubulahaw ng mga bulaang propeta at sugo.

Sa panahon natin ngayon, hindi sapat na mamulat dapat bumangon. Hindi sapat na bumangon dapat kumilos. Hindi sapat na kumilos dapat magmulat. Hindi sapat na kumilos at magmulat. Dapat kumilos at magmulat nang puspusan.

Tuesday, December 06, 2005

Pag-iisang dibdib

Hupong ako karon sa dili malitok nga pagbati. Pagbati nga di mahubit sa pulong. Pagbati nga kanunayng nagasangpit sa maanindot nga bansagon sa gugma – malungtaron, putli, hamili, tim-os ug bug-os sa kasingkasing.

Mao kini ang pagbati nga kaniadto kanunay kong gipangandoy nga hipalgan, hikaplagan sa kinailadman sa dughan. Dugay ko kining gipangita. Oo, sugod pa niadtong mga panahon nga wala pa nagtagbo ang atong mga dalan. Sugod niadtong wa ko pa hingkit-i ang imong maanyag nga panagway. Ang panagway nga akong gibilaran sa di maihap nga mga kagabhion uban ang bulan ug mga bitoon. Uban ang kahayag ug kangitngit. Uban ang kainit ug katugnaw. Oo, sukad pa niadtong mipitik kining dughan samtang ikaw naga-awit sa mga alawiton nga atong gipanag-ambitan. Sa atong pagsuroysuroy taliwala sa lunhawng sagbot sa kabaw sa Freedom Park uban ang mga amorseko. Uban ang mga tapuri-salindanaw sa kahaponon o kaha ang mga alibangbang nga kanunayng nagadayeg sa bulak sa mga acacia.

Natapos na ang unang yugto sa atong mga pag-antus. Apan nasayod kita nga aduna pay daghang mga pagsulay ug kapit-us. Susama sa kinaiyahan adunay unos, hulaw, bagyo, baha. O kaha linog ug pagkagun-ob. Tungod kay kining mga butanga modangat man gyud dinhi sa atong kalibutan.

Apan bisan pa niini, padayon kita nga nagalaum. Padayon kita nga nagapakigbisog. Padayon kita nga nagahandum sa mga kagahapon. Sa mga laya nga dahon sa kagahapon. Sa mga panid sa kagahapon nga atong gisaw-an ug gibalaan. Ah! Kita nagapaabot sa bag-ong ugma. Sa bag-ong sugilanon nga atong ipanugilon unya sa atong kaliwatan. Sa kaliwatan nga unya atong hatagan sa maayong panulondon. Sa mga kabtangan nga dili mapalit sa bulawan ni salapi. Tungod kay bisan kanus-a dili gayud mapalit ang tiunay nga gugma. Ang gugmang hinungdan kun ngano kita padayon nga nagalaum.

Busa kita ania karon. Nagapadayon. Padayon nga nagalaum sa pagpanagbanag. Sa pag-abot sa bag-ong ugma. Sa pagsidlak sa bag-ong adlaw. Nga maoy nagapanamkon sa pagkatawo sa bag-ong kalibutan nga atong ginapangandoy. Ang pangandoy nga kanunayng kauban sa gugmang atong gibalaan aron molungtad hangtud sa kahangturan.

I lost red ballpen

I lost my red ballpen.

I liked my red ball pen very much. It reminds me of red sunsets. It paints in my mind a red garden streaming with red roses. And red roses make me think of beauty; and thorns. And that beauty can make you bleed as much as thorns do, even more painful most of the time.

Pain makes me think of people. People feel pain although many are dead people walking. Like the rugged beggars wearing rugged rags. Or the sweating workers wearing sweat shirts. Or the soiled peasants wearing soiled clothes. They are all dead people walking. They are just waiting the hour when death would be more physical. Because long before they can rest with the sand, the gravemasters had already robbed them of life.

The gravemasters are those who enjoy the fruits of the trees they did not plant. They happily devour the food they did not prepare. They live in the luxury they did not toiled to have. Because the dead people walking are the ones who do all the things for them. Because if the dead people refuse, they would be buried alive.

When the dead people walking come back to their senses, the gravemasters are threatened. Alas, the zombies are starting to riot! That is their favorite line. Then their mercenaries would mass up to exterminate the walking dead. Thus Mendiola, Lupao, Hacienda Luisita, Sta. Filomena, Palo, Leyte and many more places became theaters of perfect massacres. Others were abducted as scientific specimens to determine whether dead people walking would respond to the stimuli of torture.

“There's red in your coffee,” Nestle workers exclaimed. "There's also red in your milk or your coffee mate." I wanted to write about these remarks that’s why I wish I'll find my red ballpen. I wished to write often about the situation (not life because they are dead) of the dead people walking.

But I lost my red ballpen.